Tuesday, July 13, 2010

produkto po ako ng pampublikong mababang paaralan

trip ko lang mag-emo, mag-nostalgic at mag-senti ngayon...

pauwi na ako at nagbabanta ang isang napakalakas na ulan. i saw a grader coming out from a montessori private school. hindi ko alam kung ano ang grade, pero malamang grade 1 sya kasi cute sya. naalala ko kasi nung grade 1 ako, sabi ng teacher ko cute raw ako, so i therefore conclude na yung bata ay grade 1 nga. bakit ba laging ikinakabit ang nomenclature (wow! hebigats. dali ask webster na!) na montessori sa mga private schools? ibig bang sabihin kapag montesorri ay dekalidad na ang edukasyon? hindi kaya ang etymology ng montesorri ay: Fil: munti---jail; sorri--jejemon for "sorry"; definition: if you won't finish your studies you'll end up either in jail or you'll be sorry for the rest of your life!

kapansin-pansin na hirap na hirap ang bata sa paglalakad kasi sandamakmak at sankatutak ang dala nyang mga libro. ginamitan ko ng x-ray vision, kaya malamang 15 books ang dala ng bata, give-or-take. (dahil nakasalamin ako kaya minsan hindi accurate ang aking x-ray vision. ayoko namang mag-concentrate. kasi one time gusto ko malaman ang kulay ng panty ng magandang bebot na nasa unahan ko. nag-concentrate ako, nasunog yung panty. sayang! until now, nagtatalo pa rin ang isip ko kung pink o white, pero malamang black, kasi kulay abo nang nasunog).

naalala ko tuloy nung grade 1 ako (i dropped the adjective "cute" baka sabihin nyo i'm too self-serving). hindi ko na alam what year, dahil mahina ako sa math. tanungin nyo man yung isang estranghero na nakausap ko kahapon. lumapit sya sa akin and asked: "pare, puede bang magtanong? i retorted: "puede pare, wag lang sa math, mahina ako dyan." see...

tatlong libro lang yata ang gamit namin nun per pupil. (our grade two teacher called us dicipulos. mas cool. parang apostolos. hindi gagawa ng masama.) at may ka-share ka pa. hindi workbook, hindi puedeng sulatan, pero puedeng koberan ng calendar paper or cement paper (may kamahalan kasi ang manila paper noon), at ilagay sa fishnet (actually bag ko yun). hindi ko alam kung uso na nun ang mga bags na featured ang mga cartoon characters kasi nga alam mo naman sa public school, kailangan low profile ka kasi kapag nalaman ng titser na mayaman ka, gagawing president ang tatay mo sa PTA o kaya lagi kang hihiritan na magdala ng plor wax o kaya papel de liha. ako naman kahit i want to be invisible, lagi ako nakikita ng titser ko dahil una: (promise, this will be the last time i will use this adjective) cute ako and secondly: ang pangalan ng tatay ko ay don. don david. sino ba naman ang mag-aakala na ang tatay ko ay isang karpintero lang ( o sige, hindi ko na gagamitin ang word na lang, kasi derogatory masyado...) who would ever thought that my father who is only a carpenter will be nicknamed "don" which by the way his real name is "angel jr," and he was almost tempted to name me "angel the third." wouldn't it be more justified if i will be regarded as angelic rather than a cutipie (oops, hindi counted ito. iba ang spelling!)

produkto ako ng public school. istrikta ang mga teachers namin noon. pag pinalo ka, pinaluhod sa munggo, pinatayo sa harap arms outstretched with heavy books on your palms, nakatayo ka facing the wall, huli kang uuwi para maglinis ng kuarto, magsusulat ka sa 10-page pad paper with these notes "gagawa na po ako ng takdang-aralin" back-to-back. dahil aminin man namin o hindi, kasalanan namin.

kasi malikot kami sa klase.

kasi maglalaro tuwing recess under the scorching heat of the sun at pagpasok sa classroom pati si superman ay manghihina dahil higit pa sa kryptonite ang dumikit sa kanya.

kasi tinago mo yung tsinelas ng ka-desk mo (kinarir ng titser namin ang kasabihan na "cleanliness is next to Godliness." pag papasok sa classroon teritoryo nya, iiwan mo ang tsinelas mo sa labas. nang nabalitaan ni ermats na nagkakawalan ng tsinelas, hindi na nya ipinasuot ang sapatos ko, mighty kid, baka daw mapudpod at masira)

kasi napaiyak mo ang kaklase mo dahil all of you chanted : "burung-babi" (i.e. l-o-s-e-r without a yaya) when she lost in the game of touch the color (wait. kulay pink yung panty. kasi nung pina-dna test ko sa colleague kong si lt. horatio caine, ang panty na naging abo, lumitaw ang mga letters na m-m-d-a.).

you owe it all to yourself why you failed because all your teachers did their best to give you a quality education that can rival pirit or don bosco.

produkto ako ng elementary at high-school public schools. at state u noong college... na nang magbantang magtaas ng tuition per unit ay halos dagukan ni ermats ang puso nya dahil baka hindi nya ako makapagtapos ng kolehiyo. from 10 pesos to 15 pesos per unit. 24 units times 15 pesos...you do the math. mahina ako sabi sa numbers eh. naalala ko tuloy yung text message ng barkada kong aktibista who went to the dark side at nagpalamon sa sistema ng gobyerno (paging p-noy! sana wag ng patayin na ang wang-wang... endangered species na ang mga huwang na ka-pamilya ng mga salagubang). ang title ay "hindi marunong magbilang." here goes:

nanay: bobo ka talaga! (komentaryo: alam nyo ba na kapag ang nanay mismo ang nagsasabi na bobo ang anak nya, ang tendency magiging bobo nga. tawag dyan ay "pygmalion effect" or "rosenthal effect" or "self-fulfilling prophecy". kayo na ang mag-google ng pygmalion effect. basta base yan sa greek mythology. o sige na nga...)

in a nutshell: pygmalion is sculptor who carved a woman out of ivory and named her galatea. his statue was so fair and realistic that he fell in love with it. in the vertex, venus (aphrodite)'s festival day came. for the festival, pygmalion made offerings to venus and made a wish. "i sincerely wished the ivory sculpture will be changed to a real woman." however, he couldn’t bring himself to express it. when he returned home, cupid sent by venus kissed the ivory sculpture on the hand. at that time, it was changed to a beautiful woman. a ring was put on galatea's finger. it was cupid’s ring which made love achieved. venus granted his wish.

huwag kayo masyado bumilib. copied and pasted lang yan from wikipedia. nagkatotoo ang tamang hinala ni pygmalion. parang nang nabuhay ang estatwa ni machete na inukit ng maiinit at malalambot na daliri ni rita avila.

balik tayo dun sa text na ang pamagat ay (drumrolls please...) "hindi marunong magbilang." here goes:

nanay: bobo ka talaga! 1 to 10 lang hindi mo p kayang bilangin?
anak: mas bobo si tatay nay, kasi narinig ko minsan sabi "tama na inday, hanggang tatlo lang ako."

ngayon pag bumagsak ang bata, teacher factor. pag pinalo ng titser, the next day, ang kunsintidor na nanay ay pupunta at tatalupan ang titser na parang sya ang nagpapakain sa kanya (partial lang, hindi full kasi kaya nabubuhay ang mga private school dahil sa skyrocketing na tuition fee na tila apollo 11 na nakarating sa moon). ang mga bata ngayon ay hindi na marunong ng proper spelling. pag nagsulat ng english, nagsasabong ang subject at predicate. pag nagsulat ng filipino, parang text messaging, or worse jejemon-style. at kapag tsinek ng teacher ang assignment at na-impress sa book review ng bata (na sa totoo lang hindi naman binasa ang book kundi plagiarized lang from the internet), the teacher will write sa project nung bata na "verry good!" (this is a true story. the elementary teacher is from a private school).

at kapag nagpatuloy ang ganitong nakakalungkot na estado ng ating edukasyon, lahat tayo ay mapapabuntung-hininga ala c-3po ng star wars: "i have a very bad feeling about this." tsk. tsk. tsk. (until now, wala pa ring katumbas sa ingles and tsk. tsk. tsk. what a waste!)

ikaw? sang produkto ka ng sistema ng paaralan?

ako...proud ako sa pinagmulan kong paaralan. hanapin nyo na lang ako dyan. grade 1! (clue, naka-short pant ako dyan). ;-p

Sunday, July 4, 2010

GUSTO MONG MAG-GYM?

My friends got a shock of their lives when they saw me after more than a decade of absence, totally buff-- a far cry from being a skinny guy they used to know. One friend even posted a comment in FB: "Uyy, hindi ka na walis ting-ting." Then another joined in and wrote: "Oo nga, walis tambo na sya ngayon."

Working-out in the gym (common parlance for gym rats is either "buhat" or "laro") is a lifestyle. You can't achieve a six-pack abs or a huge biceps by simply going to the gym and do your thing! You have to adhere to a program. However, don't have to force yourself in the gym everyday, otherwise you'll suffer from work-out fatigue. Three or four times a week will suffice (with an hour or two per session). You have to let your muscles rest to recover. (Parang law of entropy din yan: "kapag ang makina ay laging ginagamit, it will break down.")

Wait! Parang seroyso yata ako sa blog na ito. Hindi naman ito fitness magazine para seryosohin, pero may mapupulot (o mangunguya?) din kayo sa mga "nuggets of wisdom" I'll offer. I will lighten things up, para dun sa mga ka-tropa na gustong mag-gym at ma-inspire naman to include body building in their daily grind. It is never too late to start (may mga "tanders" nga na nagbubuhat pa rin for health reasons).

Bago ka pala mag-enrol sa gym tiyakin mo na ok ang kaha mo. So it pays to check the label, este, to pay a visit your doctor for a check-up. Ako kasi, nagpa-BP muna ako before mag-gym.

It doesn't mean na dapat maganda yang nurse na kukuha ng BP mo (or full-body-check-up...Asa ka pa, hehehe), pero ayon sa pagsasaliksik ng mga health experts, magiging maganda ang mood mo kung maganda ang tatanawin, este tanawin mo. Malay mo, baka ma-impress ang nurse kapag nalaman nya the reason you're having a BP check-up is because you want to have abs like Jacob. Pogi points din yun.

Beware!: Huwag kang manood ng Sports Unlimited baka ma-insecure ka lang kay Marc Nelson dahil ang kinakain nyang pandesal sa umaga ay bumubukol sa tiyan nya. Ikaw, gardenia o teysti lang ang kinain mo.

Pero kung na-insecure ka, malamang naisip mo, panahon na para mag-gym. (Trip ko lang sumulat in the following paragraphs like e.e.cummings. Hope you don't mind!)

perstaym mo ba? naku... eto ang mga tips para maka-survive ka kahit 30 minutes lang sa loob ng torture chamber:

-kung mag-eenroll ka, tingnan mo muna kung kapani-paniwala ang mga instructors. kung maganda ang katawan nila, malamang they're doing it right at malamang din alam nila ang kanilang ginagawa. parang barberya lang yan e. halimbawa, dalawa ang barbero: yung isa ok ang gupit, yung isa naman parang rugby ang ginagamit na shampoo. syempre pipiliin mo dapat yung pangit ang gupit. malamang silang dalwa mismo ang naggugupit sa isat isa. go figure. nalito ka? ako den. basta yun.

-magdala ka ng sarili mong tubig. dahil pagpapawisan ka, kailangan mong i-replenish ang nawalang fluids sa katawan mo. mas makakatipid kung magdadala ng lang kesa bumili dun sa gym. kung mapera ka, gatorade, powerade, bandade. kung hindi, extra joss, puede na. wag iwanan sa tabi-tabi ang bote/jug/thermos. kukunin yan ng walang pambili ng tubig.

-trapo. walang taong hindi nagpapawis. hindi ka manok. pag hihiga ka sa mga benches, natural pagtayo mo, aagos ang likidong maalat mula sa balat mo at mag-iislide sa bench na parang batang perstaym makakita ng playground. punasan mo naman. isa pa: wag gamitin ang trapo sa sariling balat. may twalya/bimpo naman.

-be friendly. mahirap magbuhat ng mabigat pag walang aalalay sayo. ikaw ren, pag bumagsak sa leeg mo yung barbell habang nagbe-benchpress ka, walang tumulong sayo. pero wag maging masyadong friendly. mahirap mag-exercise pag may katabi kang madaldal.

-flex. kahit muscle lang sa mukha ang ma-develop sayo dahil sa pagkunot ng noo at pagbanat ng mga ugat sa mukha dahil sa hindi mabuhat ang weights na pinipilit mong kinakaya. at least motivated ka kahit papano at matutuwa ka pag nakitang mong nagkakaron na ng cuts ang muscles mo kahit alam mong mukha lang syang malaki dahil madaya ang salamin sa gym. (pag nagbubuhat ka, piliin at humarap ka dun sa "madadayang salamin"--yun bang lilitaw na pogi ka at malalaki ang muscles mo.

-wear the proper gear. hindi advisable na magsuot ng amerkana habang nagwo-workout. bumili din ng workout gloves para mas mahawakan mong mabuti ang bars at para na rin hindi magka-kalyo ang kamay. ikaw din, baka masugat si junior.

-preferably, wear dark clothes. ikaw din, mahirap labhan ang damit na nasayaran ng kalawang.

-wag mahiyang magtanong. baka pag sinabi sayo ng instructor na mag-squats ka e bigla kang mag-ala-ROTC at itaas ang yong kamay sabay bend ng tuhod at di gumalaw for 30 minutes. lahat sila dumaan sa pagiging aanga-anga tulad mo. walang ipinanganak na may muscle ang umbilical cord.

-mind your own business. baka ma-distract ka sa mga nag-e-aerobics at mapanganga sa mga babaeng taas-baas ang paa. iwasang tumingin lalo na pag nakahiga sila at parang nakikipag love-making sa hangin. ikaw ren, baka mahirapan kang tumayo.

-hindi puro buhat lang. dapat maingat ka rin sa pagkain (this is one of the reasons why women failed in this department kasi they can't resist the call of fishball, kikiam, adidas...). It takes a lot of determination to watch what you eat. I tried eating nilagang kamote and saging saba for a six straight days. And fruits and vegetables. No rice talaga (except during Sunday which is my "cheat day." Eat-all-you-want ang tema, hehehe). Then after that week, I eat 6 smaller meals everyday which I continuously doing now religiously.

-dapat i-supplement mo rin ng vitamins at cardio. cardio training helps in toning muscles and in burning fats. Effective ang threadmill, badminton, basketball, o kaya jogging. Pero dapat, may running partner ka...

kasi mas magiging makulay ang paligid at masaya ang takbuhan pag kasama mo ang iniirog mo sa buhay...

ABAWT DA BLAH-GER by Aris Avila

BABALA: Sa mga mambabasa ng comments sa profile ni Blitz...Ang inyong mga mababasa ay naisulat sa tatlong lingguwahe at hango sa mga katotohanang naganap sa tunay na buhay ni ARMAN V. DAVID mula noong 1986 hanggang 1990....Ang patnubay ng magugulang ay kailangan...


(Blogger's Note: Our First Year HS Pic. That's me, 5th from the left, while Aris, 4th from the right. Aris and I shared the passion in music and we were both tenors in Glee. Not The Series. But The Club. When I've heard that he is spending his two-week vacation in the country in October 2009 and coincides too with my one-week off, I've decided to stay home and canceled my out-of-town trips. How I wished I never postponed my former engagements. Just kidding, hehehe. The truth is, if Aris decides to visit home again, I will definitely be there for him;-p)

Si Arman po o mas kilala sa pangalang Blitz ngayon, ay isang butihing mag-aaral sa isang paralan sa Tarlac.Ako naman po ay isa sa mga naging mapalad na kamag-aral ni Arman. Tatlong bagay lang ang masasabi ko tungkol sa kanya ngunit, ang mga katagang ito ay siyang bumubuo sa kanyang katauhan, mula noon, at sa aking palagay, ay magpasahanggang ngayon. Marami sana pero dalawa lang ang nasusulat sa ingles at filipino. Kung marunong kayo ng kapampangan, malalaman ninyo ang mga hiwaga na bumabalot sa likod ng pangatlong kataga, na naglalaman ng kanyang sikreto. Ang lahat ng iyan ay nakassad sa ilalim ng kasulatang ito...tama na ang tatlo, dahil kung ating iisa-isahin ay baka maubusan tayo ng space dito...

Una: Matalino, pangalawa: Pinuno at pangatlo: Mang-aawit....do you wanna know why???

Here it is….

MATALINO: He was one of the best in our class back then and I think, is still one of the best till now...he was so good then and as a matter of fact, when we were on our second year in high school, he made one of our teachers walked out on us on our math class. That was just by simply giving a SMART(A_S) comment to a question that everyone in the class refused to answer. Do you wanna know what the question was? Ang katanungan na iyon ay sariwang-sariwa pa rin sa aking ala-ala, dahil iyon ang naging tulay ng aming makulay na pakikipag-sapalaran nung high school. Ang tanong: "What is the numerical and literal coefficient of the expression 2X?" And the smart comment of Arman was: "MA"AM BAKA KAYA NIYO TINATANONG DAHIL DI NIYO ALAM"...at meron pang pahabol( Pabulong)..."ALAM NA NAMIN YAN, ANG DALI DALI KAYA NG TANONG, KAYA NGA WALANG GUSTONG SUMAGOT EH"...nun ding mga oras na iyon, ang aming silid aralan ay nilisan ng aming luhaang guro na di makapaniwala sa mga katagang binitiwan ni Arman. At dito na nga nagsimula ang lahat….

PINUNO: He was also a leader...Everybody in the school at that time knows that the teachers tagged our class with names like "the most unruly class in the school"( Which later evolved into unbelievable and outrageous comments such as "mga matatalino nga sana, pero wild naman, mga walanghiya, mga walang katulad, mga latang walang laman... at ang paborito ng lahat…mga scene stealers…ATBP....etc..etc.). Bago ang mga pangyayaring naganap sa loob ng aming math class ay, hindi kami tumatalo ng teacher, mga estudyante lang.... but from that day...binigyan niya kami ng lakas ng loob at tibay ng dibdib na lumaban at huwag magpa-api sa aming mga guro...we followed his example by carrying the legacy throughout our high school days. We took his example seriously and straight into our hearts. Some of us even had the thought of not needing our teachers and therefore we do not have to go to class anymore...yes… siya ang nagpa-uso ng MASS ESCAPING sa aming klase...

Ah! Those were the days when the most influential student in our school invaded our minds... Mga bata pa kami noon, pero ng ma-realize namin na na-implwensiyahan niya kami, it was already too late...kaya tuloy na-regaluhan ako ng Bible ng adviser namin nung 4th year. Of course, dahil kaibigan ko si Arman at ako ay tapat sa kanyang simulain, hindi di ko na sinabi na itinutuloy lang namin ang kanyang nasimulan. Baka kasi malaglag siya honor competition at bumagsak sa horror role...kaya sa madaling salita ay inako ko na lang lahat at ipinamahagi ko naman ang iba sa aming ibang kamag-aral.


(Blogger's Note: With Aris and Blair, also during Aris' homecoming last October 2009 from Canada. Kakanta miya ing makabagbag damdaming "Skyline Pigeon.")


(Blogger's Note: That's Tee. BFF. Highschool cheatmate. Miss Congeniality. Gorgeous and beautiful as ever...)

MANGAAWIT:Aruuuu, biyasa ya pung magkanta yan. masanting ya swala. ta neng ing masakit, masyado ng kikimkiman king sarili na ing galing na. Menakit na kang magkanta ya agyang yang dili...lalu na istung mainip ne. pisara-sara no pa kanita reng mata na istung miras ne king bandang matas ne ing tonu na ning kanta na...nanamnaman neng mayap. Wapin pala Blitz, atsu ya pa ba itang notebook mung ating message a makasulat tungkol king nanu ing dapat mung gawan istung ikang dili? I bet you still remember what's on there. Just curious...magkanta ka pa bang ikang dili istung bored ka? If ever you still do. Pipikit mo pa ba deng mata mo...ita bang bala mu talagang feel na feel me ing kakanta mo? LOL....uling manyampukaki ing lugud mi kaya, potang titipa ne ketang kanto da, pag-kanta miyapa..’tipa neing…..tipa neing…tipa neing….” Ironically, it’s the same song that we sing for the teacher who walked out from our class because of him.…but I doubt if he knows, kasi mumuna yang titipa king mestra mi…


(Blogger's Note: Aris and Me. We were singing our anthems. The Dawn's "Salamat" and "Iisang Bangka." Sige pen, ninu ngeni ing pisara sara deng mata?)

Lumipas ang panahon at hindi na namin siya muling nasilayan. Naglaho siya na parang bula at ngayon naman ay, bigla siyang lumitaw na parang kabute…sana naman, sa pagkakataong ito, siya ay manatili at hindi na muling lumisan, at nang sa gayon ay madali siyang matunton kung kinakailangan…may palagay ako na kapag nabasa ito ng aming mga dating kamag-aral ng mga panahong iyon ay, maglalabasan ng isa-isa ang mga pinakatatagong lihim ni Arman….Kaya Blitz, ang payo namin sa iyo ay, kung nasan ka man ngayon….diyan ka na lang…LOL…but keep in touch though…

(Blogger's Note: I was out of the friend's radar since 1997. They never heard from me, never wrote letters, totally gone MIA. In 2007, like a phoenix rising from the ashes, I was back in the circuit. And thanks for FS, and now for FB, "social networking" is just within the tip of your fingers)

BABALA: Ang inyong mga nabasa ay base sa mga katotohanang naganap sa buhay ni ARMAN V.DAVID na mas kilala sa pangalang Blitz sa ating magulong panahon ngayon. Ang mga pangyayaring naisaad ay naganap sa isang paaralan sa Tarlac ngunit/subalit ang pangalan nito ay sadyang itinago at hindi binanggit upang hindi na pamarisan ng mga kasalukuyang nag-aaral sa paaralang iyon. Ang patnubay ng magugulang ay kailangan…

(Blogger's Note: This used to be a 3-part comments of Aris in Friendster. Due to FS space constraints, Aris has decided to shorten his comments (almost on the verge of suicide) to my liking. If not, he should have spilled a lot of beans that might ruin my reputation, hahaha. Thanks Aris. Whenever I'm pissed off, I always read this and it never failed to keep my blood boiling! There will, and I hope that time will come, we will settle the score in another videoke fight! Miss you my friend...Watch your head man. Mafia Wars is getting crazier and bloodier. I have a very bad feeling about that! Hahahaha)

Saturday, July 3, 2010

P-NOY KA KUNG...

Nilalagyan mo ng sungay ang kaklase mo tuwing picture taking.



Mahilig magpapiktyur ang mga artista na kasama ka.



Nakalaminate ang mga diploma nyo



May uling sa refrigerator nyo.



Mahilig magpapiktyur sa harap ng Istarbaks kahit 3 in 1 lang ang tinutungga mo (pag-tripan ba naman mga pamangkin, hahahaha)

Friday, July 2, 2010

HAPPINESS IS...

How come happiness eludes some people? It's because there are some people who equated happiness with money, popularity or fame. They were so busy fitting in or making good impressions and they forgot that simple things can really make some people happy. After leaving a high-paying job and chose a more rewarding and spiritually-satisfying vocation, I have discovered as I go through life that little things do matter,and they can bring happiness too, in which money (well, not hard-earned anyway) can't buy.

FOR ME, HAPPINESS IS...

Seeing elementary and high school friends after a long time, and talk and laugh like there is no tomorrow. What a grand feeling to be young again!





College best friends remembering your birthday.



Photographs of your childhood.

Laughing so hard your face hurts (Flashback: Watching "There's Something About Mary" at Ever Commonwealth...that hair gel incident. I almost died laughing).

Roadtrips with "family" friends!



Having your friends trust you with their secrets.

Find something you’ve been looking for for ages (My granpa's photo. My family keeps on telling that I was his spitting-image--to dispell the rumor that I am adopted!--; my grandpa is white-skinned, chinito, and handsome...case-solved! )



Finally, viewing the much-heralded "Aling Dionisia-Hayden Kho sex scandal!"




Having your old jeans fit again (my old pair Levi's 501 circa 1999, size 30).

Riding a bicycle with friends on a rainy day!



Rereading your favorite books (Pugad Baboy series. Very 90s' sensibilities).



Finding out Mom (the eternal optimist!) can share wacky moments with her grandkids too!



People noticing the effects of your diet and gym routine. (I was skinny for Pete's sake! I am not "Christopher Ribs" for nothing!)

Dinner with friends you haven't seen for a very long time. (Indeed, true friendship can withstand the test of time. And places, too!)



Running into your old teachers and realizing they still remember you.

Tripping over your own feet and looking up to see that no one noticed

Finally memorizing the lyrics of your new favorite song (FPJ told me that you have to have at least one song you know by heart, just in case...oops, videoke sessions. Mine is Santana's/Rob Thomas' "Smooth.")

Lying in bed listening to the rain outside.

Seeing the happy faces of your "pamangkins" because of a pizza blow-out!



Finding out the shoes you want is on sale for half price.

Hearing your favorite song on the radio and singing it even though some people find it annoying.

Hard to find DVDs found pirated. (Guilty as charged!)

Ballpen up to its last drop.

When your dog jumps around because he is very happy to see you (after almost a year!)

Eating very slowly.

Soft pillow, clean sheets.

Nicknames – nice ones!

Out of the blue, you've discovered that there is still money left in your wallet and wondering how it got there...

Coffee-talk with your best friend in a lazy afternoon.