My friends got a shock of their lives when they saw me after more than a decade of absence, totally buff-- a far cry from being a skinny guy they used to know. One friend even posted a comment in FB: "Uyy, hindi ka na walis ting-ting." Then another joined in and wrote: "Oo nga, walis tambo na sya ngayon."
Working-out in the gym (common parlance for gym rats is either "buhat" or "laro") is a lifestyle. You can't achieve a six-pack abs or a huge biceps by simply going to the gym and do your thing! You have to adhere to a program. However, don't have to force yourself in the gym everyday, otherwise you'll suffer from work-out fatigue. Three or four times a week will suffice (with an hour or two per session). You have to let your muscles rest to recover. (Parang law of entropy din yan: "kapag ang makina ay laging ginagamit, it will break down.")
Wait! Parang seroyso yata ako sa blog na ito. Hindi naman ito fitness magazine para seryosohin, pero may mapupulot (o mangunguya?) din kayo sa mga "nuggets of wisdom" I'll offer. I will lighten things up, para dun sa mga ka-tropa na gustong mag-gym at ma-inspire naman to include body building in their daily grind. It is never too late to start (may mga "tanders" nga na nagbubuhat pa rin for health reasons).
Bago ka pala mag-enrol sa gym tiyakin mo na ok ang kaha mo. So it pays to check the label, este, to pay a visit your doctor for a check-up. Ako kasi, nagpa-BP muna ako before mag-gym.
It doesn't mean na dapat maganda yang nurse na kukuha ng BP mo (or full-body-check-up...Asa ka pa, hehehe), pero ayon sa pagsasaliksik ng mga health experts, magiging maganda ang mood mo kung maganda ang tatanawin, este tanawin mo. Malay mo, baka ma-impress ang nurse kapag nalaman nya the reason you're having a BP check-up is because you want to have abs like Jacob. Pogi points din yun.
Beware!: Huwag kang manood ng Sports Unlimited baka ma-insecure ka lang kay Marc Nelson dahil ang kinakain nyang pandesal sa umaga ay bumubukol sa tiyan nya. Ikaw, gardenia o teysti lang ang kinain mo.
Pero kung na-insecure ka, malamang naisip mo, panahon na para mag-gym. (Trip ko lang sumulat in the following paragraphs like e.e.cummings. Hope you don't mind!)
perstaym mo ba? naku... eto ang mga tips para maka-survive ka kahit 30 minutes lang sa loob ng torture chamber:
-kung mag-eenroll ka, tingnan mo muna kung kapani-paniwala ang mga instructors. kung maganda ang katawan nila, malamang they're doing it right at malamang din alam nila ang kanilang ginagawa. parang barberya lang yan e. halimbawa, dalawa ang barbero: yung isa ok ang gupit, yung isa naman parang rugby ang ginagamit na shampoo. syempre pipiliin mo dapat yung pangit ang gupit. malamang silang dalwa mismo ang naggugupit sa isat isa. go figure. nalito ka? ako den. basta yun.
-magdala ka ng sarili mong tubig. dahil pagpapawisan ka, kailangan mong i-replenish ang nawalang fluids sa katawan mo. mas makakatipid kung magdadala ng lang kesa bumili dun sa gym. kung mapera ka, gatorade, powerade, bandade. kung hindi, extra joss, puede na. wag iwanan sa tabi-tabi ang bote/jug/thermos. kukunin yan ng walang pambili ng tubig.
-trapo. walang taong hindi nagpapawis. hindi ka manok. pag hihiga ka sa mga benches, natural pagtayo mo, aagos ang likidong maalat mula sa balat mo at mag-iislide sa bench na parang batang perstaym makakita ng playground. punasan mo naman. isa pa: wag gamitin ang trapo sa sariling balat. may twalya/bimpo naman.
-be friendly. mahirap magbuhat ng mabigat pag walang aalalay sayo. ikaw ren, pag bumagsak sa leeg mo yung barbell habang nagbe-benchpress ka, walang tumulong sayo. pero wag maging masyadong friendly. mahirap mag-exercise pag may katabi kang madaldal.
-flex. kahit muscle lang sa mukha ang ma-develop sayo dahil sa pagkunot ng noo at pagbanat ng mga ugat sa mukha dahil sa hindi mabuhat ang weights na pinipilit mong kinakaya. at least motivated ka kahit papano at matutuwa ka pag nakitang mong nagkakaron na ng cuts ang muscles mo kahit alam mong mukha lang syang malaki dahil madaya ang salamin sa gym. (pag nagbubuhat ka, piliin at humarap ka dun sa "madadayang salamin"--yun bang lilitaw na pogi ka at malalaki ang muscles mo.
-wear the proper gear. hindi advisable na magsuot ng amerkana habang nagwo-workout. bumili din ng workout gloves para mas mahawakan mong mabuti ang bars at para na rin hindi magka-kalyo ang kamay. ikaw din, baka masugat si junior.
-preferably, wear dark clothes. ikaw din, mahirap labhan ang damit na nasayaran ng kalawang.
-wag mahiyang magtanong. baka pag sinabi sayo ng instructor na mag-squats ka e bigla kang mag-ala-ROTC at itaas ang yong kamay sabay bend ng tuhod at di gumalaw for 30 minutes. lahat sila dumaan sa pagiging aanga-anga tulad mo. walang ipinanganak na may muscle ang umbilical cord.
-mind your own business. baka ma-distract ka sa mga nag-e-aerobics at mapanganga sa mga babaeng taas-baas ang paa. iwasang tumingin lalo na pag nakahiga sila at parang nakikipag love-making sa hangin. ikaw ren, baka mahirapan kang tumayo.
-hindi puro buhat lang. dapat maingat ka rin sa pagkain (this is one of the reasons why women failed in this department kasi they can't resist the call of fishball, kikiam, adidas...). It takes a lot of determination to watch what you eat. I tried eating nilagang kamote and saging saba for a six straight days. And fruits and vegetables. No rice talaga (except during Sunday which is my "cheat day." Eat-all-you-want ang tema, hehehe). Then after that week, I eat 6 smaller meals everyday which I continuously doing now religiously.
-dapat i-supplement mo rin ng vitamins at cardio. cardio training helps in toning muscles and in burning fats. Effective ang threadmill, badminton, basketball, o kaya jogging. Pero dapat, may running partner ka...
kasi mas magiging makulay ang paligid at masaya ang takbuhan pag kasama mo ang iniirog mo sa buhay...
No comments:
Post a Comment