trip ko lang mag-emo, mag-nostalgic at mag-senti ngayon...
pauwi na ako at nagbabanta ang isang napakalakas na ulan. i saw a grader coming out from a montessori private school. hindi ko alam kung ano ang grade, pero malamang grade 1 sya kasi cute sya. naalala ko kasi nung grade 1 ako, sabi ng teacher ko cute raw ako, so i therefore conclude na yung bata ay grade 1 nga. bakit ba laging ikinakabit ang nomenclature (wow! hebigats. dali ask webster na!) na montessori sa mga private schools? ibig bang sabihin kapag montesorri ay dekalidad na ang edukasyon? hindi kaya ang etymology ng montesorri ay: Fil: munti---jail; sorri--jejemon for "sorry"; definition: if you won't finish your studies you'll end up either in jail or you'll be sorry for the rest of your life!
kapansin-pansin na hirap na hirap ang bata sa paglalakad kasi sandamakmak at sankatutak ang dala nyang mga libro. ginamitan ko ng x-ray vision, kaya malamang 15 books ang dala ng bata, give-or-take. (dahil nakasalamin ako kaya minsan hindi accurate ang aking x-ray vision. ayoko namang mag-concentrate. kasi one time gusto ko malaman ang kulay ng panty ng magandang bebot na nasa unahan ko. nag-concentrate ako, nasunog yung panty. sayang! until now, nagtatalo pa rin ang isip ko kung pink o white, pero malamang black, kasi kulay abo nang nasunog).
naalala ko tuloy nung grade 1 ako (i dropped the adjective "cute" baka sabihin nyo i'm too self-serving). hindi ko na alam what year, dahil mahina ako sa math. tanungin nyo man yung isang estranghero na nakausap ko kahapon. lumapit sya sa akin and asked: "pare, puede bang magtanong? i retorted: "puede pare, wag lang sa math, mahina ako dyan." see...
tatlong libro lang yata ang gamit namin nun per pupil. (our grade two teacher called us dicipulos. mas cool. parang apostolos. hindi gagawa ng masama.) at may ka-share ka pa. hindi workbook, hindi puedeng sulatan, pero puedeng koberan ng calendar paper or cement paper (may kamahalan kasi ang manila paper noon), at ilagay sa fishnet (actually bag ko yun). hindi ko alam kung uso na nun ang mga bags na featured ang mga cartoon characters kasi nga alam mo naman sa public school, kailangan low profile ka kasi kapag nalaman ng titser na mayaman ka, gagawing president ang tatay mo sa PTA o kaya lagi kang hihiritan na magdala ng plor wax o kaya papel de liha. ako naman kahit i want to be invisible, lagi ako nakikita ng titser ko dahil una: (promise, this will be the last time i will use this adjective) cute ako and secondly: ang pangalan ng tatay ko ay don. don david. sino ba naman ang mag-aakala na ang tatay ko ay isang karpintero lang ( o sige, hindi ko na gagamitin ang word na lang, kasi derogatory masyado...) who would ever thought that my father who is only a carpenter will be nicknamed "don" which by the way his real name is "angel jr," and he was almost tempted to name me "angel the third." wouldn't it be more justified if i will be regarded as angelic rather than a cutipie (oops, hindi counted ito. iba ang spelling!)
produkto ako ng public school. istrikta ang mga teachers namin noon. pag pinalo ka, pinaluhod sa munggo, pinatayo sa harap arms outstretched with heavy books on your palms, nakatayo ka facing the wall, huli kang uuwi para maglinis ng kuarto, magsusulat ka sa 10-page pad paper with these notes "gagawa na po ako ng takdang-aralin" back-to-back. dahil aminin man namin o hindi, kasalanan namin.
kasi malikot kami sa klase.
kasi maglalaro tuwing recess under the scorching heat of the sun at pagpasok sa classroom pati si superman ay manghihina dahil higit pa sa kryptonite ang dumikit sa kanya.
kasi tinago mo yung tsinelas ng ka-desk mo (kinarir ng titser namin ang kasabihan na "cleanliness is next to Godliness." pag papasok sa classroon teritoryo nya, iiwan mo ang tsinelas mo sa labas. nang nabalitaan ni ermats na nagkakawalan ng tsinelas, hindi na nya ipinasuot ang sapatos ko, mighty kid, baka daw mapudpod at masira)
kasi napaiyak mo ang kaklase mo dahil all of you chanted : "burung-babi" (i.e. l-o-s-e-r without a yaya) when she lost in the game of touch the color (wait. kulay pink yung panty. kasi nung pina-dna test ko sa colleague kong si lt. horatio caine, ang panty na naging abo, lumitaw ang mga letters na m-m-d-a.).
you owe it all to yourself why you failed because all your teachers did their best to give you a quality education that can rival pirit or don bosco.
produkto ako ng elementary at high-school public schools. at state u noong college... na nang magbantang magtaas ng tuition per unit ay halos dagukan ni ermats ang puso nya dahil baka hindi nya ako makapagtapos ng kolehiyo. from 10 pesos to 15 pesos per unit. 24 units times 15 pesos...you do the math. mahina ako sabi sa numbers eh. naalala ko tuloy yung text message ng barkada kong aktibista who went to the dark side at nagpalamon sa sistema ng gobyerno (paging p-noy! sana wag ng patayin na ang wang-wang... endangered species na ang mga huwang na ka-pamilya ng mga salagubang). ang title ay "hindi marunong magbilang." here goes:
nanay: bobo ka talaga! (komentaryo: alam nyo ba na kapag ang nanay mismo ang nagsasabi na bobo ang anak nya, ang tendency magiging bobo nga. tawag dyan ay "pygmalion effect" or "rosenthal effect" or "self-fulfilling prophecy". kayo na ang mag-google ng pygmalion effect. basta base yan sa greek mythology. o sige na nga...)
in a nutshell: pygmalion is sculptor who carved a woman out of ivory and named her galatea. his statue was so fair and realistic that he fell in love with it. in the vertex, venus (aphrodite)'s festival day came. for the festival, pygmalion made offerings to venus and made a wish. "i sincerely wished the ivory sculpture will be changed to a real woman." however, he couldn’t bring himself to express it. when he returned home, cupid sent by venus kissed the ivory sculpture on the hand. at that time, it was changed to a beautiful woman. a ring was put on galatea's finger. it was cupid’s ring which made love achieved. venus granted his wish.
huwag kayo masyado bumilib. copied and pasted lang yan from wikipedia. nagkatotoo ang tamang hinala ni pygmalion. parang nang nabuhay ang estatwa ni machete na inukit ng maiinit at malalambot na daliri ni rita avila.
balik tayo dun sa text na ang pamagat ay (drumrolls please...) "hindi marunong magbilang." here goes:
nanay: bobo ka talaga! 1 to 10 lang hindi mo p kayang bilangin?
anak: mas bobo si tatay nay, kasi narinig ko minsan sabi "tama na inday, hanggang tatlo lang ako."
ngayon pag bumagsak ang bata, teacher factor. pag pinalo ng titser, the next day, ang kunsintidor na nanay ay pupunta at tatalupan ang titser na parang sya ang nagpapakain sa kanya (partial lang, hindi full kasi kaya nabubuhay ang mga private school dahil sa skyrocketing na tuition fee na tila apollo 11 na nakarating sa moon). ang mga bata ngayon ay hindi na marunong ng proper spelling. pag nagsulat ng english, nagsasabong ang subject at predicate. pag nagsulat ng filipino, parang text messaging, or worse jejemon-style. at kapag tsinek ng teacher ang assignment at na-impress sa book review ng bata (na sa totoo lang hindi naman binasa ang book kundi plagiarized lang from the internet), the teacher will write sa project nung bata na "verry good!" (this is a true story. the elementary teacher is from a private school).
at kapag nagpatuloy ang ganitong nakakalungkot na estado ng ating edukasyon, lahat tayo ay mapapabuntung-hininga ala c-3po ng star wars: "i have a very bad feeling about this." tsk. tsk. tsk. (until now, wala pa ring katumbas sa ingles and tsk. tsk. tsk. what a waste!)
ikaw? sang produkto ka ng sistema ng paaralan?
ako...proud ako sa pinagmulan kong paaralan. hanapin nyo na lang ako dyan. grade 1! (clue, naka-short pant ako dyan). ;-p
No comments:
Post a Comment