Wednesday, January 5, 2011

BERTDEY WISHES 2011


Rehash ito ng article na sinulat ko sa older (read: wholesome) FB. Buti na lang, binasa uli ni Bb. Arline Nicolas (na kinumbinse ko to jump ship from my wholesome FB, to the not-so-wholesome one). While I was reading it, natawa ako kasi, some of them natupad, while the rest are in working progress (read: hindi pa ibinibigay ng Langit o kaya ng mga kaibigan, kapuso, kapamilya at kapatid!)

Lahat ng nangyayari sa buhay natin, mabuti man o masama ay may leksyon na itinuturo sa atin. Minsan, to soften the blow, sinasabi ng iba na: "There are no mistakes in life, only lessons." Tama nga naman, kasi kung alam mong mali, hindi mo gagawin. At dahil hindi tayo perpekto, may mga pagkakataon tayo sa buhay na nagkakasala. Subalit pag laging sinasadya, ibang usapan na yun...

Andito yung mga wishlist ko noong nakaraang bday (Jan 27, 2010) at samahan nyo ako sa aking pagmumuni-muni at pagbabalik-tanaw sa nakaraang taon ng aking buhay.

-bigyan ako ng kotse. sayang naman yung 2 months ko na gymfee sa Slimmers. hindi ko nagagamit. nakakatamad mag-commute kasi papuntang SBMA which is more than 1 hour drive sa bahay ko. Tinatamad naman akong gamitin ang mga plates sa bahay kasi iba rin yung nagwo-workout ka na may natatanaw na magagandang tanawin. Kamiss na tuloy yung crush ko na nag-e-aero.

*wala pa ring kotse. hindi na ako nag-gym sa Slimmers. bumalik ako kay Mang Ernie's (Gapo) at minsan sumusundot sa Gym ni Jim sa Castillejos. Nagkaroon ng madaming kaibigan at spotters. Yung mga plates sa bahay, sa sobrang awa ko sa kanila, ginagamit minsan minsan. Binigay rin ng utol ko ang matagal ko ng inaawitan na sit-up board. yung Swiss Ball, ayun bilog pa rin gathering dust. minsan nahuli ko yung bubwit, ginagamit para sa abs nya.

-Adidas running shoes. yung pinaka lightweight that you can find. Kahit 2nd hand lang. Yung crush ko kasi sa gym, ang hilig mag treadmill, 30 minutes max. Hindi ako makatagal sa treadmill kasi ang bigat bigat ng gym shoes ko. Ginamit ko pa sa ROTC yun.

*Binigyan ako ni Koko ng New Balance, super light-weight at ampogi. Sarap tuloy mag-jogging. Yung combat shoes ko, binigay ko na kay Sen. Trillanes. Kailangan nyo yun for his another military (mis)adventures in the future.

-DSL, CGNAL, basta any wireless connection. or pa wi-fi yung house ko. palaki na ng palaki ang utang ko dun sa kapitbahay naming may Net taz yung mga kaklase ko sa elementary akala mo kung makipag-chat, wala ng bukas. syempre pag may wi-fi, laptop kaparehas. terno ba. yung bagong labas na IPAD. hindi ko kasi puede dalhin desktop sa CR, lalo na kapag me kailangan kang sagutin sa comments. pag di ka agad nakasagot sa thread, pagpyestahan ka ng mga kaibigan at kaklase mo ng walang kalaban-laban at walang kamalay-malay.

* wala pa ring internet connection sa bahay. wala pa ring laptop. yung kaklase ko ng elementary pinadala saken PAD paper (sabi nya next time kung may kailangan ako, itawag at i-spell na lang. kapag text daw, malabo na hindi nya mababasa. dyslexic daw sya. kaya ang basa nya PAD. sabi ko naman pag tumatawag ako, lagi mo dinadahilan na sumumpong na naman ang otitis media mo o kaya inatake ng Alzheimer's). as usual, wala pa ring tigil ang chat, bangayan at lalo dumami ang notifications kaya nag-aral ako ng stenography sa computer keyboard at umiinom ng Bona milk para laging may laban sa balitaktakan. mahirap na mag-fiesta ang mga kaibigan na wala ka sa hapag-kainan.

-Starbucks 2010 Planner. Hindi ko kasi nakumpleto yung stickers sa promo. Kulang pa ng 12. 15 kasi ang kailangan, hehehe. At saka ang layo kasi ng Starbucks. Nasa loob pa ng SBMA. Kailangang sadyain pa para makainom ng Venti Frapuccino. Talagang kailangan na kailangan ko ng kotse.

*hindi ako nakakuha ng Starbucks Planner. pero meron na ako 2011. pinagtulungan nina espren Joie at Flor. kinumpleto sa Tarlac, ni-redeem sa Subic. Niregaluhan ako ni Jeikkub ng mug at ni Abbie ng Starbucks thermos. Napakaagang nagpakita ng kabaitan mga batang ire. May bago akong kape na kinalolokohan. Kopiko Brown. Try nyo. Masarap kaya.

-Books like Who Moved My Cheese?, Animal Farm, To Kill A Mockingbird at The Alchemist. Hindi na kasi sinoli ang mga ito ng mga mahilig manghiram at wala namang hilig magsoli.

*nakakita ako sa 2nd hand bookstore ng The Alchemist (for only P50 pesos at isa pang aklat ni Coehlo--The Zahir). Madami rin akong nabasa books. Honorable mentions were Eats, Shoots and Leaves (about grammar and punctuation. Pinangatawanan ko na ang pagiging jejebuster ko), yung 2 books ni Daniel Silva (The Secret Servant at Moscow Rules na pinadala pa ng mabait at maganda kong pren na si Shie Agoncillo-Cerulli), Malcolm Gladwell's The Tipping Point at Blink (basta isa mga book na yun gagawing pelikula). Dan Brown's The Lost Symbol? Huwag nyo ng hiritin yun. Pinangako ko na kay Phay Pineda. Most of my books were sent home in Tarlac kasi, wala namang hilig magbasa mga tao dito. Buti na lang mga pamangkin ko, mga "booksnakes".

-medyas na itim: di ko alam kung papano ako nagkakaron ng medyas gayong di naman ako bumibili nito. para bang maysa-kung-anong hiwaga ang cabinet ko at nagpo-produce ito ng itim na medyas. lately, tumigil na syang mag-produce.

*muli na namang nag-produce ng itim na medyas ang cabinet ko. lalong dumami (eh puro white naman ang binibili ko). minsan naiisip ko na kamag-anak ng cabinet ko ang Vanishing Cabinet na andun sa Room Requirement ng Hogwarts School of Witchcraft and Wizardry. (For the uninitiated, The Room of Requirement is a secret room within Hogwarts that only appears when a person is in great need of it. The room then transforms itself into whatever the witch or wizard needs it to be at that moment in time, although there are some limitations. For example, it cannot create food, as that is one of the five Principal Exceptions to Gamp's Law of Elemental Transfiguration. It is believed that the room is Unplottable, as it does not appear on the Marauder's Map, nor do its occupants, although this could simply be because James Potter, Remus Lupin, Sirius Black, and Peter Pettigrew never found the room.) Kitam!

-celfone: uhm, ilang taon ko na ring napakinabangan ang kasalukuyan kong telepono. kung dati eh ganadong-ganado pa akong mag-text habang in-public, ngayon, naka-vibrate na lang sya palagi para hindi makatawag ng pansin ng ibang tao.( kung pwede sana, huwag nokia :)

*you've got to hear this. me bago ako cp. Blackberry Bold. Mura ko lang nabili. And take note hindi China fone, hindi GSM (Galing Sa Muslim) kundi GSM (Galing sa Magnanakaw). Dun na rin ako nag-iinternet (sosyal), at nakikipag-chat via BB Messenger (kaso si Mara lang ka-chat ko). andami applications, hirap gamitin. andami games, pero brickgame at tetris lang alam. haiz!

-DSLR. gusto ko kasi ma-harnessed yung talent ko sa photography.

* blind item. may kaibigan ako sa ibang bansa, made me an offer I can refuse (para tuloy narinig ko si Don Coreleone ng The Godfather). SLR o Kindle? siempre ayaw ko munang bumigay. anong akala nya saken, easy to get?

-1 roundtrip ticket papuntang Malaysia. Kahit yung promo, ok na sa akin yun.

*Paging Tonette!!! Don't worry pagdadala kitang isang Balikbayan Box na Jollymeals.

-madaming-madaming mighty bond: para sa madaming-madaming sapatos na hindi ko na ginagamit.

*dumami ang mighty bond, kumonti ang shoes. ewan ko ba bat biglang lumaki shoe size ko, eh tinigil ko na ang pagpapa-foot spa. ayun pinagkawanggawa ko ang iba, pinamigay sa mga nangangailangan. alam nyo naman, the size of a man's shoes, determines the size of his p...eet (there are times i have a probblem with p's and f's, b's and v's and h's and i's. kapampangan kasi).

-belt: 3 years old na yung belt ko; ilang taon na lang at pwede ko na syang ipasok sa kindergarten.

*in-enrol ko na sa kindergarten. pero huwag ka, scholar. mana sa amo, hehehe. sabi ng principal, baka ma-accelerate. balak ko ngang ipasok sa Guiness Book of World Records ang belt ko. Ilalaban ko rin sa Mr University Belt. Major talent nya Quiz Bee (magtatanong ang mga judges ng mahihirap na tanong at sasagutin nya). Si Tonette ang coach. Minor. Singing. Si Tonette mag-import pa ng coach from Sydney Australia.

-panyo/facetowel/towel: alam ko yung iba nagsawa na sa kakatanggap ng mga ganito tuwing holiday season pero ako, kailangan ko ng maraming ganto. kung di lang ako masyadong burara, makagawa na ko ng ilang kumot mula dito.

*may bago akong kurtina at comforter na yari sa panyo/facetowel/towel. balak kong magtayo ng business na ganito ang ilalako para mapalayas na mga bombay sa bansa natin.

-havaianas. gusto ko brown. nagkagalis na kasi talampakan ko sa kagagamit ng spartan at rambbo sandals.

*may 2 ako pares ng havaianas na bigay ni Ates Carmie at Susan. May bigla na lang naligaw na Sandugo sandals sa bahay ko, pero hindi ko alam kung kanino. Minsan narinig ko kapit-bahay ko, naghuhuremantado, may dalang itak, minumura at isinusumpang dadanak ang dugo pag nahuli nya ang sinumang nagnenok ng Sandugo sandals niya. Hayun sa kuarto na lang ang tsinelas at kinausap ko nang masinsinan na ko huwag siyang maingay kundi papatayin siya. Shhhhh.

-24 Season 8. Yung galing sa mga Muslim huh? Hindi kasi nagbabasa ng original DVDs yung SANY DVD player na nabili ko sa Quiapo. Please, alam ko namang hindi pa mamamatay si Jack Bauer at si Kim ang makakapagligtas sa kaya through bone marrow transplant.: parang awa nyo na, nabitin ako!

*buhay pa rin si Jack Bauer. Pinalayas na ni Pres Taylor kasi hahuntingin na siya ng mga Russians. Balita ko nasa Pinas sya. Kaso lang late dumating kaya naging madugo ang Manila Hostage taking drama. May bago akong DVD player, Samsung, nasira naman ang TV ko. Win some, lose some...

- pera.

*Buti pa ang pera may tao, pero ang tao ay walang pera.

-at higit sa lahat gelpren na magiging future wife ko.

*binasa ko uli ang Ordinary People by Judith Guest (na ginawang pelikula ni Robert Redford at nanalong Best Picture sa Oscars). May quote doon na ganito ang sinasabi: "Two separate, distinct personalities, not separate at all, but inextricably bound, soul and body and mind, to each other, how did we get so far apart so fast?" Huwag na kayong magtanong pa. Ang magtanong idedelete sa listahan ng friends. Pero may bago akong babae sa buhay ko. Si Bea, madaling sakyan at katabi pang matulog. At para hindi ako mauntog at hindi ko sya ipagpapalit, binigyan ako ni Flor ng pambili ng helmet....

Naging makulay ang 2010 ko. Dumami mga tunay na kaibigan, at lumawak lalo ang isipan. Kapag tinanggap mo na maluwag sa iyong kalooban ang anumang mapapait na pangyayari sayong buhay, magiging matatatag ka at hindi darami ang wrinkles.

Remember, there are no mistakes in life, only lessons...

No comments:

Post a Comment