Sunday, January 9, 2011

BAKIT LIST


Marami akong katanungan sa buhay, simula pa nang pagkabata hanggang sa mag-mature (ahem). Marami sa mga katanungang ito (from downright outrageous to upright metaphysical, from mundane to serious) ay hindi pa rin nasasagot. Marahil may mga avid followers ng blog ko na ito (meron ba?) na bright (who know the answers). Hindi ko maaring i-label ang sarili ko na bright dahil nang nagtake ako ng I.Q. sa Mensa, ay lumagpak ako. And somewhere, may isang psychological test, na nang mag-take ako ng exam, nahanay ako sa mga smart (ask questions--na ikinagalit noon ng mga kaklase ko sa Masteral, dahil uwian na sa kabilang kuarto ay tanong pa ako ng tanong sa report nila at wala pa raw pagkain mga anak nila sa bahay, blah blah blah).

I want you to join me in this unending quest for answers that will surely change the way we think, will define our humanity and will quench our thirst for knowledge. Hebigats, pare!

1. Bakit hindi pinagpapawisan ang manok?

2. Bakit kaya inom ng inom ng tubig ang manok, eh di naman umiihi?

3. Bakit may mga relasyong pagkatagal-tagal na hindi natuloy sa kasalan,
subalit meron naman na buwan lang ang pinagsamahan ay nagkatuluyan?

4. Bakit walang 1.5 na Yakult?

5. Bakit may lock pa sa pinto ang 7/11, eh 24/7 namang bukas yun di ba?

6. Bakit ang Sky Flakes, buo, di ba dapat durog kasi flakes nga eh?

7. Bakit natakot at kumaripas ng takbo ang Pinoy na TNT nang tanungin siya ng
grocery clerk sa Tate kung may VISA Mastercard sya?

8. Bakit nagalit ang buwan sa haba ng gabi?

9. Bakit kung sino pa ang iniiwasan mo yun pa ang nakakasalubong mo?

10. Bakit hiwalay ang bagoong sa kare-kare?

11. Bakit kapag ginamit sa “Knock, knock joke” ang “Bakit” ang sagot sayo ay
“Simula’t-sapul, mahal kita?

12. Bakit kapag may mga sumisikat na mga foreigners na may konting dugong-Filipino
ay proud na proud ang mga Pinoy?

13. Bakit kapag kailangan na kailangan mo ang nail-cutter, tsani at ballpen
ay bigla na lang nawawala ang mga ito?

14. Bakit hindi amoy Bombay ang Indian ink?

15. Bakit kulay orange and "black box" ng eroplano?

16. Bakit kulay green ang "black board"?

17. Bakit kasi may monthsary pa?

18. Bakit kapag nagaabang ka ng taxi, walang dumadaan/may tao at puro jeep
lang makikita mo. Pero pag nagaabang ka ng jeep, puro taxi dumadaan.

19. Bakit ang mga babae sa jeep, di umuusod sa dulo kahit wala ng tao sa tabi nila?
Ang hirap tuloy magbayad, walang mag-aabot.

20. Bakit walang toothpick sa Jollibee?

21. Bakit nangawawala ang mga kutsara at tinidor sa Chowking?

22. Bakit dalawang araw lang ang weekends? Sino ang nag decide??? Hindi ba puedeng 5
araw week-end at 2 araw working days?

23. Bakit kapag may rush na trabaho ay tinetepok either ang computer o ang Xerox
machine?

24. Bakit walang electric fan na counter-clockwise ang ikot?

25. Bakit walang makasagot sa katanungang, "Ano ang Tagalog ng clue"?

26. Bakit walang makasagot sa katanungang, "Ano ang English ng sayang "?

27. Bakit kung kelan uwian at saka umuulan?

28. Bakit kung kelan wala kang dalang payong saka umuulan? At kung kelan may dala
ka, tirik na tirik ang araw?

29. Bakit may mga taong may pera para manigarilyo, uminom at mag-drugs pero wala
namang perang pampakain sa pamilya?

30. Bakit yung pelikulang huli mong dinownload, yun din yung bigla mong mapapanood
sa bus a few days after?

31. Bakit ba kasi nasa huli ang pagsisisi?

32. Bakit yung ibang tao kapag tinanong yung school mo tapos sinagot mo sila,
feeling nila nagyayabang ka na? Oo, may problema ako sa mga taga-UP! ;-p

33. Bakit kung kailan mo gusto matulog hindi pwede? Kung kailan mo kailangang maging
dilat na dilat eh dun ka naman aantukin?

34. Bakit ang sarap matulog sa pagsamba?

35. Bakit kapag kinikilig ako natatawa ako? Normal ba yun?

36. Bakit may hangin? Di naman nakikita.

37. Bakit walang utot na mabango?

38. Bakit ang sarap ng bawal??? Bakit hindi nalang siya pwede?

39. Bakit isa lang ang puso ng tao pero dalawa ang lungs, ang kidneys?

40. Nananaginip din kaya ang in born na bulag? hmmm..kung nananaginip sila anu kaya
panaginip nila?

41. Bakit walang vitamins na in syrup form na pang adult?

42. Bakit masarap pag-usapan ang buhay ng mga artista?

43. Bakit may mga bato sa pagitan ng mga riles ng MRT?

44. Bakit masarap amuyin ang bagong libro?

45. Bakit kapag stress ka at ngunguya ng juicy fruit gum ay mare-relax ka?

46. Bakit sumpungin ang mga bata?

47. Bakit yung pinto sa left side ng mga FX (sa gitnang part ng sasakyan) eh
parating sira, kadalasan hindi nabubuksan?

48. Bakit kapag walang pasok, ang aga mong gumising? At kapag may pasok naman ay
tinatamad kang bumangon?

49. Bakit nang bata ka ay ayaw mong matulog ng hapon at magagalit nanay mo, pero
nang lumaki ka na at gusto mong matulog ng hapon ay pagagalitan ka naman?

50. Bakit kung totoo na kapag marami kang kuto ay ililipad ka ng mga ito pero hindi
naman nangyayari?

51. Bakit kapag pinapasagot ka ng parents mo dahil sa nagawang kasalanan, ay
babarahin ka naman pag sasagot ka na? (Sumagot ka!!! Kapag sasagot ka,
aba…sumasagot ka ah?) Ang labo…

52. Bakit di mo kayang mahalin ang taong mahal na mahal ka pero di mo kayang
makalimutan ang taong sinaktan ka lang? If only love is transferrable.

53. Bakit kaya wala kaya akong ma-"google" na image ng buntis na kuba?

54. Bakit hindi na kailangan ng tubig ni Darna para lunukin ang bato? Paano niya
inilalabas yung batong nilulunok nya?

55. Bakit naka-belt ang ulo ni Wonderwoman? Apo ba siya ni Mang Kepweng?

56. Bakit si Superman at Batman inunang isinuot ang pantalon bago ang brief?

57. Bakit antay ako ng antay ng text mo. Nung nagtext ka na, biglang nawalan na ko
ng gana. Baket?

58. Bakit kailangan talaga pag tumatakbo yung mga bida sa mga pelikulang Pinoy,
madadapa midway?

59. Bakit ang daming katanungan na ang puso lang ang makasasagot??

60. Bakit isa lang ang piraso ng pork sa Pork and Beans? Hindi ba puedeng Porks and
Beans?

61. Bakit yung hotdog ay tinatawag na hotdog samantalang wala naman sangkap na
karne ng aso at pag binibili sa supermarket o palengke ay malamig o frozen naman?

62. Bakit kapag binuksan mo ang corned beef wala kang makitang corn sa loob....
puro beef lang.

63. Bakit tayo pumipikit pag bumabahing? At kapag binunot mo ang isang balahibo sa
yung anal lining ay napapapikt karin? Magkamag-anak ba ang mata at anus?

64. Bakit ang balahibo walang split ends?

65. Bakit lagi sinasabing "you broke my heart" eh hindi naman ito nabibiyak kasi
nasa loob?

66. Bakit ang bilog na Pizza, nasa Square na box?

67. Bakit ang beer meron sa lata…. ang alak wala?

68. Bakit ang Nivea Milk ay mapait, at hindi puedeng ipanggisa ang Oil of Olay?

69. Bakit di pwede magpuyat sa umaga?

70. Bakit ang kumakain ng veggies ang tawag ay vegetarian, pero pag human ay
cannibal? Hindi ba puedeng humanitarian?

71. Bakit puede ang vegetarian na kumain ng aninal crackers? Ang gulo?

72. Bakit hindi dumidikit ang glue sa loob ng bote (either glass or plastic)?

73. Bakit kapag bago ka paligo at utusan ka ng nanay na maglinis ayaw mo dahil
marurumihan ka pero pag yinaya ka ng tropa mo na magbasketbol ay ok lang?

74. Bakit tumataas ang presyo ng galunggong?

75. Bakit kapag magkasingkahulugan ang mga salita ang tawag ay synonymous, pero pag
magkabaligtad, hindi puedeng antonymnous?

76. Bakit ang tawag sa trabaho ng mga duktor ay "practice"? Di ba nakakatakot yun?
(Doc, may naiwang scalpel sa tyan ko? Ooops, sorry, practice lang!)

78. Bakit square ang boxing "ring"?

79. Kung ikaw halimbawa ay wanted, at may reward kang 1Million…kapag ba sumuko ka
makukuha mo yung reward?

80. Bakit ang guard ay walang bantay?

81. Pag ang taong putol ang isang kamay ay nagpamanicure… buo pa rin ba ang bayad
nya?

82. Bakit hindi posible na magkabalakubak ang kalbo?

83. Bakit hindi ka puedeng umiyak sa ilalim ng tubig?

84. Bakit ang taba ng barbeque ay nasa hulihan?

85. Bakit ang palad, hindi umiitim, kahit gaano mo ito katagal paarawan?

86. Bakit may programa pa ang AM radio pero gabi na?

87. Bakit walang graveyard shift sa sementeryo?

88. Bakit hindi puedeng umutot at bumahing at the same time?

89. Bakit alam ng mga lamok na dengue carrier na 5pm na? May relo ba sila?

90. Bakit hindi ma-align ang page na to kahit anong gawin ko? Kainis!

Hindi ko na binuo ng "100" baka sabihin nila ginaya lang natin ang pelikulang "Bucket List."

Good luck mga parekoy!

No comments:

Post a Comment